Marami rin ang nasasayang na oras sa kahahanap ng nawawalang bagay na kung kailan mo kailangan ay saka hindi mo pa makita.
Ang ending ay nagpapainit ito ng ulo sa kahahanap mo tulad ng susi, ballpen, damit, resibo, Meralco bill, at kung anu-ano pang bagay na nakaaabala sa oras mo na nakadidismaya pang lalo kung may importante kang lakad o gagawin.
Mas nagiging kapaki-pakinabang ang isang tao kapag siya ay organized. Nagsisimula ito sa simpleng bagay-bagay sa inyong tahanan.
Maglaan ng space para sa simpleng gamit na kailangang items mula sa mga damit, sapatos, o electrical na gamit. Kung magagawa mong ayusin ang pagkakasalansan mas madaling mahanap ang kailangan mo. Mas makatutulong din kapag nilagyan mo pa ng label ang bawat box o file para may saysay dahil mas madaling mahagilap ang importanteng kailangan mong kunin o gagamiting items. Makatitipid ka pa sa oras at iwas sa abala o hussle kesa sa kahahalungkat ng hinahanap mo.