^

Para Malibang

May ‘lover’ si Mama

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin n’yo na lang po akong Epi, college student. Problema ko po ang mama ko. Nahuli ko po kasi siya sa akto na may kayakap at kahalikang lalaki. Dalawa lang po kaming magkapatid at madalas nasa abroad ang papa ko para umatend sa mga conference. Excursion po namin nuon pero na-cancel kaya umuwi ako ng bahay. Pagpasok ko sa amin nakita ko si Mama at yung lalaki sa sopa namin na magkayakap at naghahalikan. Nagtatakbo ako palabas at nagpunta ako sa bestfriend ko. Isang linggo rin akong hindi umuwi sa amin. Kahit sa best friend ko ay hindi ko ikinuwento ang aking problema dahil nahihiya ako sa magulang niya. Nasa Japan ngayon ang papa ko. Ano pong gagawin ko? Dapat ko bang sabihin sa papa ko ang nakita mo?

Dear Epi,

Kausapin mo ang mama mo at makiusap ka sa kanya na hiwalayan na niya ang bf niya. Marahil ay mababagabag ang damdamin niya kung mismong anak niya ang hihiling nito sa kanya. Alam kong napakabata mo para sa ganyan kalaking problema pero wala kang choice. May mga pagkakataon na ang bata pa ang dapat magsilbing gabay ng mga nakatatandang naliligaw ng landas. Pero huwag mo munang sabihin ito sa papa mo dahil baka may gawin siyang hindi mo kayang maawat dahil sa bugso ng galit. Baka naman nagkukulang din ng time ang iyong ama sa iyong ina dahil abala ito sa negosyo. In the same way, makiusap ka sa papa mo na maglaan ng quality time para sa inyong mag-iina. Kamo nami-miss n’yo na ang family bonding. Baka lumubag din ang loob niya at ma-realize niyang nagkukulang na pala siya ng panahon sa kanyang pamilya. Aanuhin ang pera kung sira naman ang pamilya?

Sumasaiyo,

Vanezza

AANUHIN

ALAM

ANG

ANO

DALAWA

DAPAT

DEAR EPI

DEAR VANEZZA

ISANG

NASA JAPAN

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with