Kung balak mong mag-collect ng butterfies o moth mahihirapan kang mabuo ito. Dahil may 100,000 uri ng paru-paro at gamu-gamo na gumagala sa paligid lalo sa mapuno at mabulaklaking lugar. Nagsisilbing proteksiyon at panlaban ng mga paru-paro o moth ang kakaibang taglay nilang lasa kaya hindi sila nakakain ng ibang nilalang sa kanilang paligid. Ang paru-paro ay may habang 1/6 inch (4m.m) hanggang 10 inches (25 c.m.) mula sa kanilang pakpak. Ang ibang paru-paro ay hindi na kumakain sa kanilang adult stage. Madalas kumukuha sila ng katas mula sa nectar ng mga bulaklak.