Binaril ng Anak ang Ama

Panaginip: Takot na takot ang aking bunso dahil mahigpit siyang hinahawakan ng kanyang ama, na ex-husband ko. May panturok siya na nakatutok sa ulo ng aking anak. May lason ang panturok at ibabaon niya ang karayom kapag lumapit ako sa kanya. Pero biglang lumitaw ang aking panganay at binaril siya.---MOM

Interpretation: Malamang na siraan ka ng iyong “ex” sa iyong anak kapag nagkaroon siya ng pagkakataon. Ito ang ipinahihiwatig na may hawak siyang injection na may lason na ituturok sa iyong anak. Pero hindi magtatagumpay ang kanyang “modus”. Ito ang ipinahahayag sa eksenang binaril siya ng iyong panganay.

Show comments