Alam n’yo ba na ang Hinduism ang pinakamatandang relihiyon sa buong mundo? Nagsimula ito noon pang 1500 BC. Lumago ito sa apat na Vedas. Ang Vedas ay isinulat ng mga scholars noong unang panahon. Nagtataglay ito ng himno at impormasyon sa mga ritwal ng Hinduism. Sa kanilang paniniwala, ang mundo ay nilikha ni Brahma at pinapanatili ni Vishnu. Ang anumang kaguluhan na nagaganap sa mundo ay kagagawan naman ni Shiva. Ang dalawang sekta ng Hinduism ay Vaishnavism o ang mga tagasunod ni Vishnu. Shaivism naman ang mga tagasunod ni Shiva. Bukod kina Brahma, Vishnu at Shiva, itinuturing sa Hinduism bilang mother goddess si Shakti.