“BILIS pa! Malapit na tayong abutan ng mga Undead!” malakas na sigaw ni Miley. Tanaw na nila ang balsang gawa sa punong-saging.
Pero hari yata ng kamalasan sa araw na ito si Blizzard.
Walang babalang nadapa, una ang mukha, sumubsob ang nguso sa buhanginan.
BLABAGG!
“Oh my God! Blizzard!” Napahinto ang dalaga, dinaluhan noon din ang boyfriend.
“Natalisod ako sa sarili kong paa... I was so clumsy...” hiyang-hiyang sabi ni Blizzard, gasgas ang nguso at mga pisngi.
Nilingon ni Miley ang mga humahabol. “Jesus Christ, napakalapit na nila sa atin!”
Nakatayo naman agad si Blizzard kahit hirap na hirap. Saglit pa’y tumatakbo na naman sila, ilang dipa na lang sa balsa.
Nagawa pa naman nilang makatakas, bago narating ng mga Undead ang gilid ng dagat ay nasa katubigan na ang young lovers.
Salamat at nawala ang mga ulap at tumirik nang husto ang araw kaya uminit din ang dagat kaya natakot ang mga Undead, walang nagawa kundi magalit; magsisigaw sa bahaw na mga tinig.
“Malunod sana kayooo... Tumaob sana kayooo...”
SA MAHABANG mesa, sa operasyong isinasagawa nina Larry at Joanne—mag-asawang plastic surgeons—bubug-bubog ang pawis ng dalawa.
KLANKK. Tunog iyon ng pangatlong scalpel na gamit sa operasyon. Daig pa kasi ng bato sa tigas ang kutis ni Reyna Coreana.
“Shit! This is bullshit, Joanne!”
“Pero hindi tayo makababalik sa ating mga anak, Larry, kapag ngayon tayo susuko. Tiyak na mabubulok na tayo dito sa Isla ng mga Undead...” Panay na naman ang patak ng luha ni Duktora Joanne.
“Puwera na lang kung gagawin na natin siyang si Sleeping Beauty... na forever nang matutulog...”
Napangiti nang mapakla ang duktora. “Sleeping Ugly, Larry, never na Sleeping Beauty.”
SA GITNA ng dagat, si Blizzard ay nilagnat nang napakataas. Nakahiga ito sa balsa, nahihibang, nagsasalita.
“Narito na ang mga payaso... kumakanta sila...” (Itutuloy)