Alam n’yo ba na ang Great Pyramid of Khufu ang pinakamatayog na pyramid sa buong Egypt? May laki itong 146 meters o 480 talampakan. May 4,000 taon na itong nakatayo. Naniniwala ang mga Egyptians na maninirahan sa mga pyramids ang kaluluwa ng kanilang mga namatay ng hari upang patuloy na pangalagaan ang kanilang nasasakupan. Binabalot din nila ang bangkay ng kanilang mga yumao upang mapanatiling buo ang katawan nito at patuloy na maging masaya sa kabilang buhay.