Kung ‘expired’ na ang make-up mo...

Mascara – Ito ang make-up na dapat mong bantayan ang pagkapaso. Ayon sa cosmetic chemist na si Jim Hammer, sa tuwing gagamitin mo ang brush ng mascara ay maaaring napupuno na ito ng bacteria kada gamit mo nito. Dahil dito ang bacteria ay maaaring mapunta sa loob ng iyong mga mata at  maging sanhi ng pangangati at pamumula  nito. Para sa iyong kaligtasan, magpalit ng mascara tuwing ikatlo hanggang ikaapat na buwan, naubos mo man ito o hindi.

Foundation – Ang ganitong uri ng make-up ay water-based kaya naman 100% ay pamumugaran ito ng bacteria. Ang foundation na hindi pa nabubuksan ay maaaring tumagal ng dalawang taon, pero, kung ito ay nabuksan na, dapat lang itong gamitin ng anim na buwan hanggang isang taon. Dapat din itong itago sa mga lugar gaya ng bathroom at malayo sa init. Ito ay dahil mas dadami ang bugs na naninirahan sa iyong foundation.

Concealer – Ang concealer ay mahalaga lalo na sa mga taong madali magkaroon ng eye bags o pamamaga ng mata. Bukod dito, itinatago rin nito ang mga dark spots sa iyong mukha. Sa oras na makita mong nag-iba ang kulay nito, dapat mo na agad itong itapon.

Lipstick – Bagama’t hindi tirahan ng bacteria ang lipstick dahil hindi naman ito water based, dapat pa rin na palitan ito kada taon, dahil sa labi ito inilalagay. Nakakakuha rin ito ng bacteria lalo na kung ginamit mo ito sa oras na mayroon kang sakit.

Show comments