Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na ang frying pan o fry pan o ka­wali sa atin ay orihinal na salitang ginagamit sa New England? Habang ang salitang ‘skillet’ ay mu­la naman sa South at Midland states. Noong 1950, gumawa ang mga tao ng kawaling may laki na 10 talampa­kan na maaaring paglutuan ng 800 piraso ng manok para kainin sa ‘Delmarva Chicken Festival.’ Mayroon naman bagong pag-aaral noong 2008-2009 na lumabas na maaaring mawala sa mundo ang maraming uri ng hayop at insekto dahil sa patuloy napagkaubos ng palaka. Luma­la­bas kasi na umaabot ng halos isang bilyong palaka ang pinapatay kada taon para gawing pagkain, lalo na sa mga ‘exotic restaurants’.

 

Show comments