6 Good Luck Tips

… sa mga namamasada ng jeep, tricycle at taxi:

1--Maglagay sa unahan ng pampasaherong sasakyan ng larawan o figurine ng Mahal na Birhen ng Antipolo. Siya ang patron ng mabuti at ligtas na paglalakbay.

2--Magsabit sa unahan ng sasakyan ng 8 Chinese coins (may butas sa gitna) na pinagkabit-kabit ng pulang tali. May ready-made nang ganitong klase sa mga Chinese lucky charm stores sa Quiapo o Ongpin.

3--Sa cash box, maglagay ng hematite, cat’s eye, at citrine.

4--Huwag magsusuot ng damit na may butas ang bulsa.

5--Sa bulsa ay maglagay lagi ng walong coins (Philippine coins) na nakalagay sa pulang supot na tela. Magsisilbi itong magnet upang humatak ng mas maraming pera.

6--Ipa-xerox ang Psalm/Awit 23. Tapos ipa-plastic laminate at idikit sa iyong sasakyan upang araw-araw ay iyong basahin bago simulan ang pagpasada.

Show comments