Alam n’yo ba na ang manggang mula sa Guimaras Island ang tanging tinatanggap ng bansang Australia? Batay sa statistics, ang mga gaya ng Pangasinan, Isabela, Negros Occidental, Zamboanga del Norte at Nueva Vizcaya ang mga nangungunang probinsiya sa bansa na producer ng mangga. Ang mangga ay mula’sa genus Mangifera at Anacardiaceae at malapit na kauri ng cashew o kasoy. Ang mangga naman mula sa Palawan ay hindi pinapayagan na mailabas sa probinsiyang ito dahil sa pagkakaroon ng insekto. Nagmula ang insektong ito sa bansang Malaysia hanggang sa hindi na napuksa.