‘Ibinenta’ ang sarili para sa may sakit na misis

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Banjo, 41 years old at may asawa. May kanser sa ovary ang misis ko. Tinaningan na siya ng doktor ng anim na buwan hanggang isang taon. Sumasailalim siya ngayon sa chemotherapy. Ako’y isa lamang ordinaryong empleyado at hindi sapat ang kinikita ko para sa pagpapagamot niya.  May dalawa pa kaming anak na pinapag-aral sa college. May babaeng tumutulong sa akin, 38 years old siya at businesswoman. Matagal na siyang hiwalay sa asawa. May gusto siya sa akin at ang gusto niya magkaroon kami ng relasyon. Pinagbigyan ko siya. Siya ang gumagastos sa pagpapagamot ng misis ko. Pero nagi-guilty ako dahil parang ibinenta ko ang aking sarili. Ngunit kung hindi ko ito gagawin paano ang misis ko?

Dear Banjo,

Mali ang pinasok mo. The end cannot justify the means. Kumbaga, kumapit ka sa patalim. Subukan mong kausapin yung babae at ipaliwanag mo na mali ang inyong ginagawa. Sabihin mong magturingan na lang kayong espesyal na magkaibigan kung talagang gusto ka niyang tulungan. Marahil ay mauunawaan ka niya lalo pa’t wala ka namang ibang malalapitan para hingan ng tulong. Mabigat sa dibdib ang ginagawa mo. Para mo na rin siyang pinagtaksilan

Vanezza

Show comments