Magkakasakit dahil sa Kapabayaan

Panaginip: Pumasok ako sa isang kuwarto na maraming kalat. May nakita akong maruming kumot na parang may tinatakpan ito. Nang tanggalin ko ang kumot ay nagluksuhan ang mga bubuwit. Sa isang sulok ng kuwarto ay may lalaking nakahiga. Lumabas siya sa kuwarto dahil naiinis at naabala siya sa pagtulog. Paglabas ko ng kuwarto ay may nakakalat na mga barya sa sahig. Pinulot ko ito. – Novilyn

Interpretation: Magkakasakit ka dahil sa iyong kapabayaan. Hangga’t maaga ay ingatan mo ang iyong katawan dahil baka kung kailan na malala na ang iyong sakit ay saka mo lang ito matutuklasan.

Hindi mo maiwasang mainis dahil may mga tao sa iyong paligid na nagpapasama ng iyong araw. Sa kabila ng iyong mga problema, may maganda pa rin mangyayari sa iyong buhay—magiging magaan ang daloy ng pera sa nalalapit na araw.

 

Show comments