Kung gusto mong laging ‘looking fresh’...
Karamihan ng mga tao ngayon ay kung anu-anong orasyon ang ginagawa bago matulog para sa kanilang paggising ay “looking fresh” ang kanilang itsura. May ilan pa nga na kung anu-ano rin ang iniinom para magmukhang bata kinabukasan. Narito naman ang ilang simpleng paraan upang magmukha kang “fresh” pagtayo mo mula sa iyong kama:
Maghilamos ng mukha – Wala ng iba pang tamang paraan upang umaliwalas ang mukha kundi ang maghilamos pagkagising at bago matulog. Sa gabi kapag natutulog ang tao, kusang ginagamot ng balat ang nasira niyang cells dahil sa buong maghapon ng stress, bacteria, at make-up na suot ng iyong mukha at balat. Matapos nito ay maglagay ng toner at mga mapagkakatiwalaang anti-aging beauty products.
Tamang posisyon sa pagtulog – Ang tamang posisyon sa pagtulog ay lapat ang iyong likod at walang harang sa iyong mukha. Iwasan mong maidikit ang iyong mukha sa unan para hindi ito magkaroon ng anumang guhit paggising mo sa umaga. Tiyakin din na ang iyong unan ay medyo mataas upang maiwasan naman ang pagbabara ng fluid sa iyong mga mata para hindi magkaroon ng eye bags.
Gumamit ng telang silk sa iyong unan – Kung gagamit ng ganitong unan, maiiwasan nito ang pagkakaroon ng wrinkles sa mukha at ang pagkasira ng iyong buhok.
Tamang oras ng tulog – Kahit gaano pa kadaming beauty products o beauty tricks ang gawin mo kung kulang ang oras ng iyong tulog ay mababalewala lang lahat ito. Kung araw-araw ay kulang ang oras ng iyong tulog at pahinga, huwag ka ng umasa na magmumukha kang fresh at maganda. Kapag kulang sa tulog, asahan mo na ang pagkakaroon ng iba’t ibang sakit sa balat gaya ng eczema, acne, at psoriasis at higit sa lahat ay magkakaroon ka ng stress. Tandaan kahit mga hayop gaya ng buwayang si lolong ay namatay dahil sa stress bunsod ng kakulangan ng tulog at pahinga.
- Latest