Ito ay huling bahagi ng paksa upang malaman mo kung ikaw ay nangangailangan ng sumailalim sa sex therapy.
Sa oras na ikaw ay makikipagkita na sa iyong sex therapist, iwasan mong siya ay pagpantasyahan. Kung iisipin mong siya ay isang babaeng nakahubad sa iyong harapan at handang magpasagpang sa’yo, tiyak na hindi mo mailalahad sa kanya ang iyong problema sa sex.
Huwag mo rin hayaang masayang ang ibinayad mo sa kanya, isipin mo na lang na kailangan mong malunasan ang iyong problema sa sex kaya hindi rin dapat na mahiyang ikuwento sa kanya lahat ng iyong nararanasan. Hindi mo naman kailangan na maging bulgar, pero dapat mong asahan na ipakukuwento niya sa’yo ang bawat detalye ng inyong sex life.
Asahan mo ng bibigyan kayo ng iyong partner ng mga libro o anumang babasahin tungkol sa sex upang mas lumawak ang kaalaman ninyo hinggil dito. Hindi rin totoo na kailangan ninyong mag-sex ng iyong partner sa harap ng inyong sex therapist o ‘di kaya ay kailangan mong makipag-sex sa iyong sex therapist.
Kaya kung sa tingin mo ay may abnormalidad na nagaganap sa iyong sex life, huwag matakot na makipagkita sa isang sex therapist para agad malunasan ito at maiwasang mawasak ang pagsasama ninyo ng iyong partner.