Maraming kalalakihan ang may isyu pagdating sa sex. Palaging ang reklamo nila ay hindi sila “satisfied” sa sex na naibibigay ng kanilang partner. Hindi rin naman dapat isisi agad sa iyong partner ang kawalan mo ng gana sa sex dahil maraming aspeto ang dapat mong tingnan bakit nawawalan ka ng gana sa sex. Maaaring ito ay problemang emosyonal, mental, at pisikal. Kung sa tingin mo ay patuloy na bumababa ang lebel ng iyong sex drive hindi mo ba naiisip na baka kailangan mo na ng sex therapy? Kung nakararamdam ka nito dapat mong bigyan agad ng solusyon ang problemang ito bago tuluyang lumala. Kaya lang karamihan naman sa mga lalaki ay umiiwas na magpatingin sa mga sex therapist dahil ayaw nilang tanggapin na mayroong silang “problema.”
Ano ba ang sex therapy? Ito ay hindi lamang para sa mga lalaking impotent o mga lalaking nawaalan ng abilidad paramakipag-sex. Para rin ito sa mga mag-asawa o indibiduwal na nagkakaroon ng problema pagdating sa kanilang love making.
Wala ng iba pang numero unong solusyon para matugunan ang problema sa sex kundi ang pakikipag-usap mo sa iyong partner. Pero huwag mo itong tatalakayin sa kanya sa oras na kayo ay magse-sex dahil mas tiyak na mawawalan kayo kapwa ng gana. Imungkahi mo sa kanya ang pagpapatingin sa sex therapist sa gitna ng inyong magandang pagkukuwentuhan at nasa maayos na mood. Kung sa tingin mo naman hindi sa inyong relasyon may problema at kundi sa iyong “alaga,” mas mabuting sabihin pa rin ito sa kanya upang masuportahan ka niya magpatingin sa doctor. (Itutuloy)