Naputikan ang Makintab na Kotse

Panaginip: Nilinis ng aking misis ang aking kotse. Madudulas ang ibong dadapo dito sa sobrang kintab. Ginamit ko ang kotse. Pag-uwi ng bahay ay puno na naman ito ng putik. Sa sobrang asar ng aking misis, binato ako ng isang malaking tipak ng yelo. – Boy Jhords

Interpretation: Ang iyong panaginip ay may kinalaman sa relasyon ninyong mag-asawa. Maaa­ring nag-away kayo, then, nagkabati at nagkapatawaran. Tapos naulit na naman ang paggawa mo ng kasalanan kaya nagalit na naman ang iyong misis.

Show comments