Habang nagkakaedad ang tao ang buto natin ay lumiliit o humihimpis. Ang tendency pa ay prone tayo na magkaroon ng osteoporosis o fracture.
Dahilan sa hindi natin nakikita ang proseso ng pagliit ng ating buto, kaya hindi natin pinapansin ang sakit na nararamdaman.
Nakadadagdag pang dahilan ng paghimpis ng ating buto ay ang uri ng ating pamumuhay tulad ng maling pagda-diet. Nababawasan kasi ang nutrient na kailangan ng ating buto sa pag-iwas ng masusustansiyang pagkain na kailangan ng ating katawan. Maging ang pagbubuntis, pinagdadaanang drug treatment, at menopause ay isa lang sa mga dahilan ng nagpapahina ng ating buto.
Habang ang regular na exercise at pagkain na may vitamin D at ang calcium in take ay nagpapalakas naman ito ng ating buto kahit tayo ay nagkakaedad na.
Mahalaga rin sa mga nagbubuntis na kumain ng pagkain na mayroong vitamin D at uminom ng gatas dahil mayaman ito sa calcium na makatutulong hindi lang sa kanilang kalusugan, kundi maging sa oras ng pagpapasuso sa kanilang mga sanggol.