Refrigerator sa tapat ng pintuan

Noong araw, importante ang posisyon ng kamalig (imbakan ng palay/bigas) sa bahay dahil ang nilalaman nitong bigas ay simbolo ng kayamanan. Sa makabagong kapaligiran, ang refrigerator ang katumbas ngayon ng kamalig. Dito natin iniimbak ang lahat ng ating pagkain na simbolo rin ng kayamanan.

Huwag ilalagay ang refrigerator sa tapat ng main door. Para mong inilalantad sa publiko ang iyong kayamanan kaya ang epekto ay puputaktihin ka ng mga mangungutang na kaibigan at kamag-anak. Huwag din itong itatapat sa back door. Ang epekto naman ay magiging mainit ka o ang iyong bahay sa mata ng mga magnanakaw, akyat-bahay at lahat ng nangutang sa iyo ay hindi na magbabayad kahit kailan.

 

 

 

 

Show comments