The Big One hinog na hinog na

Seryoso at matindi ang babala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS) at ang iba’t ibang sector ng government o private na ahensiya sa pagbibigay ng impormasyon sa maaaring tumamang lindol na 7.2 magnitude na tinawag na The Big One na sinasabing  maapektuhan ang dalawang active fault lines ng bansa, ang West Valley Line Fault at Manila Trench. 

Sabi ng mga scientist gumagalaw ang West Valley Line Fault tuwing ika-400 o 600 years na huling na-record ang movement nito noong 1658. Sa kalkula ng mga scientists, sinasabing hinog na hinog na ang naipon na sapat na energy para magkiskisan ang mga plates o plato ng West Valley Line at Manila Trench para gumalaw  ang ilalim ng lupa na siyang dahilan ng inaasahan nating lindol na darating. Bagama’t walang time frame kung kelan ito bubulusok, kaya hindi ma-predict kung kailan magkakaroon ng lindol.

Ayon pa sa pag-aaral, tinatanyang mahigit 34,000 katao ang maaaring mamatay at 114,000 ang maaaring masaktan sanhi ng 90% ng pressure ng lindol ay kayang mag-collapse o pabagsakin ang mga buildings, tulay, over pass, flyover, bahay, o iba pang istraktura. Mahalagang tips na dapat alamin bago pa dumating ang panganib:

Manalangin – Tanging nasa kamay lang ng Diyos kung kailan Niya papahintulutan ang The Big One. Manalangin tayo na mahabag sa atin ang Panginoon sa darating na lindol.

Huwag mag-panic – Mas maraming napapahamak kapag naunahan ng nerbyos sa oras ng anomang panganib. Kailangan ay kalmado para alam natin ang ating gagawin sa darating na lindol. 

Alerto – Ngayon pa lang ay i-practice na ang DROP produce (duck, cover, and hold) kung nasa loob ng bahay o building. Kung nasa labas ay pumunta sa open area kung saan hindi ka mababagsakan ng anumang bagay.

Secure ang iyong lugar – Ngayon pa lang ay itabi na ang gamit o bagay na maaring guma­law o mahulog.

Magplano– Ma­ki­bahagi na sa ginagawang disaster plan ng iyong school, offices, mall, simbahan kung saan magtatago at lalabas pagkatapos ng lindol. Maglista na rin ng emergency o hot lines na matatawagan. Organize o itabi na ang mahahalagang dokumento ng iyong pamilya. Pati insurance ng inyong property ay ihanda na rin.

Makipag-ugnayan - Maki­pag-usap agad sa iyong pamilya at kamag-anak sa kanilang kalagayan after ng lindol.

 

 

 

 

 

 

Show comments