Knows mo ba?
Knows mo ba na marami ang benepisyo kapag tayo ay kumain ng pepino? Una na rito ay nagpapababa ito ng acid sa ating katawan, kaya naman mainam sa mga nakararanas ang arthritis o gout sa kani-kanilang kasu-kasuan. Nagpapababa rin ito ng cholesterol. Pampatulong din ang pepino sa kakulangan ng tubig sa ating katawan. Tumutulong din itong mabilis na tunawin ang ating mga kinakain. Upang hindi makaranas ng sakit ng ulo dahil tumutulong nga itong maiwasan na magkaroon tayo ng head ache. Malaki rin ang tulong ng pepino na panlaban sa kanser. Tumutulong din ang pepino na maibalik agad ang nawalang tubig sa ating katawan kapag nakaranas ng dehydration. Kaya nakatutulong din itong magkaroon ng supply ng fluid sa ating katawan. Mataas ang content ng pepino sa silica na tumutulong para magkaroon tayo ng silky hair. Knows mo ba tumutulong ang pepino na magpagaling ng sakit na diabetes? Tumutulong din itong kontrolin ang iyong blood pressure. Sa rami ng benepisyong nakukuha sa pagkain ng pepino, ugaliing kasama ito sa ating hapagkainan sa araw-araw.
- Latest