Island of unded 25

SAKOP ng panlulumo ang mga damdamin nina Miley at Blizzard. Hindi maalis ang matin­ding awa nila sa isdang kanduli.

Namatay kasi sa dulo ng sibat ni Blizzard ang matabang isda, sa paraang kalunus-lunos at napakalupit.

“What now?” napapailing na tanong ni Blizzard sa kasintahan.

“Mawawalan namang saysay ang kamatayan ng kanduling iyan kung hindi natin pahahalagahan ang kanyang sakripisyo,” mahinahong sagot ni Miley.

Nagpahid ng luha ang dalaga. “Blizzard, iluluto natin ang isda at kakainin ang lahat ng laman niya.”

Napalunok si Blizzard, hindi makuha ang rason ng dalaga.

“Pero, Miley... baka nalimutan mong napatay ko ang isdang ito!? No, minarder ko pala!”

Hindi natinag si Miley. “Kaya nga marapat lang kainin natin nang walang sayang. Kundi’y mauuwi sa wala ang ibinuwis niyang buhay.”

Saka lang ganap na naunawaan ni  Blizzard ang wisdom ni Miley. Saglit pa’y ginamit na nila ang posporo at lumikha ng apoy gamit ang mga tuyong dahon at maliliit na sanga ng nabuwal na kahoy.

Iniihaw nila ang isdang malaman at sariwa.

Hindi nalimutan ni Miley na magpasalamat sa grasyang iyon.  “Maraming-maraming salamat po, Lord.”

Sinimot ng magkasintahan ang laman ng bagong lutong isda. Walang nalabi  kungdi mga tinik at buntot.

Nagsalo sila sa pag-inom sa medium-size bottled  water.

“Uhaw na uhaw pa rin ako, Miley.”

“Ako rin, Blizzard. Pero tayo right now ay mga pulubi... and beggars can’t be choosers.”

Samantala’y mahigpit na nakabantay sa dalawa ang mga Undead, tinitiyak na hindi na muling makakatakas ang young lovers.

BIGLANG lumapit si Reyna Coreana. Matalim ang tingin nito kina Miley at Blizzard, puno ng duda.

“Paano pala kung wala kayong AIDS?  Na tinatanga n’yo lang akong dalawa?”  (ITUTULOY)          

Show comments