NAKAGAWA ng matulis na sibat si Blizzard sa tulong ng tiyaga. Pinawisan nang husto ang boyfriend ni Miley.
“Tara na sa dagat, Miley, dali! Tatlong oras lang ang break-time na bigay sa ’tin ng bruhang reyna!”
Hawak ni Blizzard sa kamay ang girlfriend, palusong na sila sa dagat para mangisda.
Sa tutoo lang, isang malaking pagbabakasakali ang gagawin nilang pangingisda.
Ano ba’ng alam nila sa larangan ng fishing?
Wala. Zero ang kanilang kaalaman.
“Hindi ko alam kung sa malalim tayo dapat pumuwesto, Miley!
“Basta ba ako sisibat sa tubig na hanggang dibdib natin ang lalim?
“At tanga ba ang mga isda na basta magpapasibat?”
“Blizzard, pareho lang tayong walang experience sa fishing! Gamitan mo na lang ng instinct!”
Napailing ang binata. “Miley, w-wala akong instinct...”
Nabuhay ang pagiging lider ni Miley sa kanilang dalawa. “Blizzard, my mind says basta mo itusok nang paulit-ulit sa tubig ang sibat!
“Hanggang sa makatuhog ka ng isda! Just do it now, Blizzard! Itigil na muna ang useless talk!”
TSAK! TSAK! TSAK!
Sa ikasampung pagtusok ay nakahuli ang sibat ni Blizzard. Isang matabang kanduli o catfish.
Nagkakakawag ang kawawang isda, pilit tinututulan ang nakaambang kamatayan na walang kasing-lupit.
Nagkatinginan ang magkasintahan, parehong awang-awa sa nahuli.
Napakagat-labi si Miley, hindi maiwasang magtanong. “Bakit kailangang ang kakainin natin ay katumbas naman ng buhay ng isda?”
“G-gusto mo bang pawalan ko, Miley? Magtiis na lang muna tayo ng gutom?”
Luhaang umiling ang dalaga. “Huli na. Patay na ang isda, Blizzard...”
Hirap na hirap ang kalooban ng binata. “I killed this poor fish... No, I murdered it...” (Itutuloy)