Ano ang Kapalaran mo sa August 2015?
Kalkulahin ang iyong Sun Number : Birth month + Birth date (November 24 : 11 +24 = 35 reduce to single number = 8 Sun Number)
Sun Number 4 - May pagbabagong mangyayari sa tahanan, pag-ibig o trabaho. May isang pangyayari na ikaw ang nagsaing, pero iba ang kumain. Ikaw ang nagtrabaho at nagpakapagod pero iba ang makakatanggap ng papuri at gantimpala. Ang challenge ngayon sa iyo ay kung paano mo maipaparating sa mga bossing ang katotohanan sa madiplomasyang paraan. Kung uunahin mo ang init ng ulo, ikaw ang magiging masama at iisiping naiinggit ka lang. Darating ang oportunidad sa 14th.
Magiging peacemaker ka sa dalawang taong magkaaway pero parehong malapit sa iyo. Mga taong may birth month na May, July at October ang aakit sa iyong puso. Lucky numbers: 2, 4, 8. Second lucky numbers: 6, 7. - Itutuloy
- Latest