^

Para Malibang

Paano makikipagkaibigan pagtapos ng ‘Annulment?’

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kung ang kasal ng dalawang taong in-love ay isang napakasayang karanasan, kabaliktaran naman ang pakiramdam nito sa dalawang taong naghihiwalay o dumaraan sa proseso ng “annulment” o “divorce”.

Hindi naman maaaring husgahan ang mga taong nasa ganitong sitwasyon dahil minsan, ginusto nila kapwang gawin ito kaya madali sa kanila ang maging magkaibigan na lang para sa kanilang mga anak. Pero paano naman sa mga taong hindi inaasahang mangyayari ito sa kanilang pagsasama? Paano nga ba sila muling magiging magkaibigan para mas gumaan ang sitwasyon para sa kanilang mga anak?

Humingi ng tawad – Walang maidudulot na magandang bagay kung patuloy kang makikipag-away sa iyong partner. Pagkatapos ng napakahabang proseso ng pag-aaway sa labas at loob ng korte para makipaghiwalay, dapat mo naman bigyan ng pahinga ang iyong emosyon. Mas mabuting humingi ng tawad at magpatawad. Kapag kapwa ninyo natanggap ang bagong sitwasyon ng inyong pagsasama, tiyak na mas magiging magaan ang inyong pakiramdam at mas madali sa inyo ang maging magkaibigan.

Pagsasara ng relasyon – Kahit pa  naglabas na ng desisyon ang korte hinggil sa inyong paghihiwalay, dapat pa rin na mayroong “closure” ang inyong love affair. Importante pa rin na marinig ninyo sa isa’t isa ang hangarin na makatagpo kayo kapwa ng panibagong pag-ibig sa tamang tao. Mas mabilis ang paghilom ng sugat sa inyong puso kung ganito ang inyong gagawin.

Komunikasyon – Importante ito lalo na kung kayo ay may mga anak. Hindi magiging mahirap sa inyo na ipaabot ang kalagayan ng mga bata. Kapag may komunikasyon at magkaibigan naman kayo, madaling tanggapin na isang araw ay malalaman mo na lang na may iba ng kasama ang iyong ex-partner.

ACIRC

ANG

HUMINGI

INYONG

KAHIT

KAPAG

KOMUNIKASYON

MGA

PAANO

PAGKATAPOS

PAGSASARA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with