Hindi mawawala ang itlog sa kusina ng bawat Pilipino. Masasabing nakahiligan na natin ang pagkain nito na mayaman sa iron at mga bitamina.Ito rin ay isang magandang source ng protein.
Kadalasang paborito itong kapares ng tuyo, tapa, longganisa, hotdog, o tocino sa agahan. Kahit sa tinapay o burger ay masarap din itong ipalaman.
Minsan ay inilalagay sa instant noodles ang itlog lalo na kapares ng instant pancit canton! Hindi rin mawawala ang itlog sa kusina ng isang nagbi-bake.
Kung kayo ay mahilig magluto at lagi sa kusina, siguradong naranasan n’yo na ang isa sa pinoproblema ng karamihan kapag nagbabate ng itlog – ang malaglagan ng durog na eggshell sa bowl! Hindi ba’t halos mabaliw ka na sa pagtanggal ng eggshell na nalaglag sa babatehing itlog?
Pero may madali nang paraan para matanggal ang tila nang-aasar na eggshell na na-stuck sa egg white. Ang kailangan lang gawin ay basain ang iyong daliri at ito ang ipantaggal sa eggshell. Siguradong mamamangha ka sa parang magic na pagdikit ng piraso ng eggshell sa iyong daliri!
Sa ganitong paraan, mas mapabibilis ang iyong pagluluto at siguradong mai-enjoy mo na agad ang iyong itlog. Burp!