Ano ang Kapalaran mo sa August 2015?

Kalkulahin ang iyong SUN NUMBER: Birth month + Birth date (November 24 : 11 +24 = 35 reduce to single number = 8 Sun Number)

Sun Number 1

Ayusin ang lifestyle para mabawasan ang gastusin sa buwang ito. Mainam na bayaran ang lahat ng utang na matagal nang kinalimutan upang makatanggap ng good karma. Nasa kapalaran mo kasi ang magkaroon ng biglaang suwerte. Halimbawa, tatama ka ng malaking halaga sa game of chance o tatanggap ka ng mana o regalong cash mula sa di inaasahang tao. Puwede rin kikilalanin ang iyong sipag sa trabaho at ikaw ay mapo-promote.

Sa pag-ibig, magkakaroon ng katatagan ang iyong pakikipagrelasyon kahit pa medyo magulo ito noong nakaraang buwan. Kung single, may nakatakdang makilala sa trabaho o sa isang business meeting na magdudulot ng kaligayahan sa puso. Itutuloy

Show comments