^

Para Malibang

Naging lasenggo ang mister dahil sa barkada

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin n’yo na lang po akong Rosmil, 29, at isang battered wife. Hindi po dating malupit ang mister ko. Mabait siya at lahat ng suweldo niya ay buo niyang iniintrega sa akin at ako lang ang nagbibigay ng pamasahe niya. Nagsimula siyang magbago nang mabarkada siya sa mga lasenggo sa aming lugar. Noong una siyang uminom, sabi niya sa akin ay nakikisama lang siya. Natatakot daw siyang umbagin ng mga istambay kaya pinagbigyan niya. Kaso po, napadalas ang pag-inom niya hanggang maging gabi-gabi. Wala nang natitira sa sahod niya na ginagastos niya sa barkada. Kung sinisita ko at pinagsasabihang magbago, sampal ang inaabot ko. Minsang binantaan ko siyang hihiwalayan binugbog niya ako. Natatakot na po ako sa kanya. Mayroon kaming isang anak. Ano ang dapat kong gawin? Natatakot akong mawasak ang aming pamilya.

Dear Rosmil,

Sa palagay ko’y papunta na sa pagkawasak ang iyong pamilya. Bakit hindi muna kayo umuwi ng iyong anak sa mga magulang mo habang hindi pa natatauhan ang asawa mo. Dapat nilang malaman ang nangyayari sa inyo at mabigyan ka nila ng payo. Nananakit na ang asawa mo at hindi na nagagampanan ang kanyang responsibilidad bilang haligi ng tahanan. Ang isang taong nasa impluwensiya ng alak ay madalas na wala sa katinuan at kahit sino’y kaya niyang saktan. Baka madamay pa pati anak n’yo. Tama nang battered wife ka pero ang maging martir ay mali na. Isipin mo ang kapakanan ng iyong anak.

Sumasaiyo,

Vanezza

ANG

ANO

BAKIT

DAPAT

DEAR ROSMIL

DEAR VANEZZA

ISIPIN

KASO

NATATAKOT

NIYA

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with