^

Para Malibang

Kailan ang tamang pagtatalik para makabuo ng junior o baby girl?

MAINGAT KA BA!? - Miss S - Pang-masa

Shettles method - Ovulation – Matapos nating talakayin ang mga katangian ng X-chromosome sperm (girls) at Y-chromosome (boys), pag-usapan naman natin ang ovulation na mahalagang factor sa shettles method.

Ang ovulation ay ang pagre – release ng egg mula sa ovary (balikan ang inyong reproductive system), kapag na-fertilized ng sperm ang egg, dito nagsisimula ang pagbubuntis.

Kapag alam mo kung kailan ka mag-o-ovulate, malalaman mo kung kailan dapat mag-sex para ma-achieve kung boy o girl ang gustong maging anak.

Narito ang mga paraan para malaman kung kailan mag-o-ovulate.

Calendar method – Ang pinakamadaling paraan  para malaman kung kailan mag-o-ovulate ay ang pagbibilang ng pabalik. Alamin muna kung kailan darating ang susunod na mentruation. Kung irregular ang mentruation, hindi puwede ang method na ito sa inyo).

Mula sa araw na ine – expect na darating ang ‘buwanang dalaw’, magbilang ng 12-araw pabalik at dagdagan pa ng apat. Inaasahang mag-o-ovulate ka sa loob ng naturang limang araw. Kung ikaw ay kabilang sa maraming babae na may 28-day cycle, malaki ang posibilidad na mag-o-ovulate ka sa 14. (Day 1 ang unang araw ng iyong menstruation at ang day 28 iang huling araw bago ang day 1 ng iyong susunod na period.)

Ovulation calculator – Kung may Internet sa bahay, i-search lang ang Ovulation Calculator, maraming sites na may ovulation calculator kaya pumili na lang kung alin ang napupusuan. Ilagay lang ang mga hinihinging impormasyon tulad ng date ng unang araw ng menstruation at kung ilang araw ang menstruation cycle at malalaman na kung kailan mag-o-ovulate.

Basal body temperature at cervical mucus – Ang mas accurate na paraan para malaman kung kailan mag-o-ovulate ay ang pagre-record ng patterns ng your body temperature at your va­ginal discharge ng isang mentrual cycle o dalawa.

Natural na paraan ito at libre, kailangan lang ng tiyaga at effort.

Kapag inobserba – hang mabuti ang iyong katawan at matiyagang ire-record araw-araw ang inyong obser­basyon, malalaman kung kailan ang iyong susunod na ovulation.

ACIRC

ANG

ARAW

KAILAN

KAPAG

KUNG

MAG

OVULATE

OVULATION

OVULATION CALCULATOR

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with