78— Masuwerte kung nasa gitna ng kabahayan ang dining room o hapag kainan.
79— Iwasang itapat ang toilet na nasa second floor sa dining room na nasa ground floor.
80—I wasang magdispley ng larawan ng namatay nang kapamilya sa dining area.
81— Wala dapat na overhead beam sa dining area. Simplihan lang ang kisame ng dining room. Kung lalagyan ng design, siguraduhin lang na hindi ito lilikha ng poison arrows.
82— Hindi dapat nakalubog ang floor ng dining room. Dapat ay naka-elevate pa ito kumpara sa salas. Kung nakalubog at ayaw na ninyong gumastos para sa renovation, magdispley ng mataas na halaman sa apat na sulok ng dining area.
83— Maglagay ng mirror sa harapan ng dining table para kapag may nakahaing pagkain, mukhang nadodoble ang dami nito. Ang resulta’y lalong madodoble ang kayamanan ng pamilya.
84— Ang mesa ay dapat na bilog, oval o square. Bilog ang pinakamasuwerte dahil ang ibig sabihin nito ay walang katapusang pagkakaisa ng pamilya.
Itutuloy