Alam n’yo ba na ang balat ng mangga ay may bahagyang lason? Oo, sa oras na madikit ang iyong balat sa dagta ng mangga ay maaari kang magkaroon ng allergy sa balat. Mamumula ang iyong balat at maaaring maging sugat ang pamumulang ito. Kung makakain mo naman ang dagta nito, maaari rin na masunog ang iyong gilagid at magkaroon ka ng gingivitis. Ilang bansa ang kumikilala sa mangga bilang “King of fruits”. Tanging mga mangga mula sa Guimaras Island dito sa Pilipinas ang tinatanggap at inaangkat ng bansang Australia. Ang bansang Thailand ang ika-limang bansa na nag-e-]export ng mangga. Marami ang nagsasabi na mas masarap kainin ang mangga sa loob ng bath room o paliguan, dahil ito ay malagkit kainin. May mga kuwento na si Buddha ay minsang nagsagawa ng himala sa ilalim ng punong mangga.