Ngayong panahon ng kuwaresma ginugunita ng mga Katoliko ang pagsasakripisyo ni Jesus upang mailigtas ang sanlibutan sa mga kasalanan sa pamamagitan ng pag-aalay ng kanyang buhay. Sa kanilang paggunita ay gumagawa sila ng iba’t ibang sakripisyo kagaya ng pag-aayuno o fasting. Paano ba ito ginagawa at anu-ano ang maaaring maging epekto nito sa kalusugan? Naririto ang ilang impormasyon sa pag-aayuno:
Libong taon na ang nakakaraan ay ginagawa na ang pag-aayuno para sa ispirituwal na kadahilanan. Ngayon sa makabagong panahon hindi lang ito ginagawa para sa espiriutwal na pangangailangan bagkus ginagawa ito dahil may kalakip itong benepisyong pangkalusugan. Sa katunayan, ayon sa mga mananaliksik ang maiksing pag-aayuno na tumatagal ng 20 hanggang 36 oras ay maaaring makabawas ng panganib ng sakit sa puso at diabetes. Nakakabilis din ito ng metabolismo at pinapanatiling normal ang blood sugar. Ang pag-aayuno ay nakakababa ng oxidative stress at pamamaga ng cells na maaaring pagmulan ng cancer cells.
Paraan ng ligtas at maayos na pag-aayuno
Ang pag-aayuno ay hindi dapat ginagawa ng ilan dahil maaaring makapinsala ito sa kanilang kalusugan kagaya ng mga buntis, diabetiko, sobrang baba ng timbang, mga taong dumaan sa operasyon at may seryosong kondisyon ng kalusugan ay hindi dapat nag-aayuno kung walang clearance galing sa mga doctor.