^

Para Malibang

Ligtas na pag-aayuno (1)

BODY PAX - Pang-masa

Ngayong panahon ng kuwaresma ginugunita ng mga Katoliko ang pagsasakripisyo ni Jesus upang mailigtas ang sanlibutan sa mga kasalanan sa pamamagitan ng pag-aalay ng kanyang buhay. Sa kanilang paggunita ay gumagawa sila ng iba’t ibang sakripisyo kagaya ng pag-aayuno o fasting. Paano ba ito ginagawa at anu-ano ang maaa­ring maging epekto nito sa kalusugan? Naririto ang ilang impormasyon sa pag-aayuno:

Libong taon na ang nakakaraan ay ginagawa na ang pag-aayuno para sa ispirituwal na kadahilanan. Ngayon sa makabagong panahon hindi lang ito ginagawa para sa espiriutwal na pangangailangan bagkus ginagawa ito dahil may kalakip itong  benepisyong pangkalusugan. Sa katunayan, ayon sa mga mananaliksik ang maiksing pag-aayuno na tumatagal ng 20 hanggang 36 oras ay maaaring makabawas ng panganib ng sakit sa puso at diabetes. Nakakabilis din ito ng metabolismo at pinapanatiling normal ang blood sugar. Ang pag-aayuno ay nakakababa ng oxidative stress at pamamaga ng cells na maaaring pagmulan ng cancer cells.

Paraan ng ligtas at maayos na pag-aayuno

Ang pag-aayuno ay hindi dapat ginagawa ng ilan dahil maaaring makapinsala ito sa kanilang kalusugan kagaya ng mga buntis, diabetiko, sobrang baba ng timbang, mga taong dumaan sa operasyon at may seryosong kondisyon ng kalusugan ay hindi dapat nag-aayuno kung walang clearance galing sa mga doctor.

vuukle comment

AAYUNO

ACIRC

ANG

GINAGAWA

LIBONG

NAKAKABILIS

NARIRITO

NGAYON

PAANO

PAG

PARAAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with