Paraan Para Maibsan ang Init (Last part)
3. Huwag uminom ng masyadong malamig na inumin.
Hindi ito makakatulong na mapalamig ang nararamdamang init na dulot ng tag-init. Maaari itong maging sanhi ng pagsisikip ng mga blood vessels sa balat na nakakabawas ng pagkawala ng nararamdamang init.
4. Limitahan ang nakakapagod na aktibidad.
5. Kumain ng tama’t masusustansiya at non-fatty na mga pagkain.
6. Limitahan ang pagkain ng dried fruits bagkus dagdagan ang pagkain ng sariwang prutas.
7. Kumain ng gulay at prutas sa pamamagitan ng salads at fresh juices, mas maigi kung walang sugar sa iyong diet.
8. Uminom ng lemon juice, sabaw ng buko at buttermilk. Para mapalitan ang mga likido na nawala dahil sa pagpapawis.
9. Iwasan ang maaasukal na pagkain, kagaya ng honey at pulot, masmaigi kung natural sugars na makikita sa prutas at gulay.
10. Bawasan ang pagkain ng spicy at sobrang maaalat na pagkain. Napapanatili ang asin ng katawan pamamagitan ng organikong paraan sa pagkain ng prutas at gulay.
- Latest