^

Para Malibang

Sandaang mumunting halimaw (51)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

HINDI nahulaan ng mga nasa submarine ang gagawin ng higanteng halimaw.

 Bago pa nakasisid ang submarino ay nadakma na ito ng natitirang  giant. Saka buong lakas na ihinagis sa siyudad.

Bumagsak ito sa mismong gitna ng Roxas Boulevard.

KABLANNGK-KALANNGK.

Hindi lang nayanig ang buong submarine, na-damage pa, nasira ang mga importanteng mekanismo.

Sa mga taong nakakasaksi, isang super-kakaibang tanawin iyon. Hindi araw-araw na merong nakabalandrang submarino sa gitna ng daan!

Nagpiyestang bigla ang mga naroong tao, kanya-kanyang kuha ng larawan sa submarino.

Shaken, nayanig nang husto ang crew ng submarine. Gayunma’y nakalabas, mga hilung-hilo.

Maagap namang nagsidating sa lugar ang pulisya.

WANG-WANG-WANG.

Nakipag-usap ang crew sa mga pulis. Merong pangamba ang submarine crew. “There might be a radiation fall-out! Please alert the people!”

 “Please elaborate, sir,” sabi ng lider ng pulisya. “What are the exact things that we must accomplish?”

Dinetalye ng mga Kano. Dapat daw lumayo sa area ang mga tao. Kung puwede raw ay huwag magpapasok ng tao sa loob ng 3-kilometer radius.

Napakamot sa ulo ang lider ng pulisya. Napa­kahirap daw gawin iyon nang madalian. Tiyak daw mabubulabog ang mga mamamayan.

Posible raw maraming mamamatay sa kaguluhan.

“Then please ask them to do the last solution!” sabi ng mga Kano.

“And what is it, sir?”

“Pray! Pray a lot! Pray! Pray! Pray!”

Iyon mismo ang ginawa ng mga taong nana­nalig sa Diyos. Nagsipagdasal sila sa bahay at sa simbahan.

Sa tulong ng kaparian at mga madre, binomba nila ng napakaraming dasal ang pinto ng Langit. (ITUTULOY)

 

ACIRC

ANG

BUMAGSAK

DAPAT

DINETALYE

DIYOS

GAYUNMA

IYON

KANO

MGA

ROXAS BOULEVARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with