Mainam na idispley ito sa may pagpasok ng bahay, salas o dining room. Tandaan lang na mataas dapat ang pagpapatungan ng tatlong house gods.
Fuk—god of prosperity and good luck. May hawak siyang scroll at laging nakapuwesto sa gitna.
Luk—god of honor and abundance. May hawak siyang scepter. Ilagay siya sa left side.
Sau—god of good health and long life. Siya ang may malaking ulo. May hawak siyang peach sa isang kamay at walking stick sa kabilang kamay. Ilagay siya sa right side.
Pinaniniwalaang ang presence ng tatlong house gods ay nagdudulot sa bawat tahanan ng kasaganaan, mabuting kalusugan, mahabang buhay at maraming pagkain.