Kailangan ang sex sa isang relasyon, pero importanteng may kissing, caressing at masinsinang pag-uusap, ayon sa pag-aaral ng 2014 University of Toronto.
Sa ginawang research, inutusan ang mga couples na dagdagan ang oras sa cuddling o pagyayakapan at paglalambingan pagkatapos ng sex.
Sa mga gumawa nitong couples, mas tumaas ang level ng sexual at overall satisfaction.
Marahil ay may kinalaman dito ang pagre-release ng oxytocin, na tuluy-tuloy ang paglabas kapag may skin-to-skin contact.
Sinasabing kapag mas matagal ang pagyayakapan, nagkakaroon ng bonding na nagpapatibay ng relasyon
Nao-obsess kapag inlove
Naranasan mo na bang ma-inlove.
‘Yung umabot sa puntong parang nababaliw ka na?
May dahilan kung bakit hindi mawala sa isip mo ang taong kinababaliwan mo.
Nakita sa MRI na kapag inlove, pumupunta ang dugo sa “pleasure center” areas ng brain—ang parehong area na responsable sa obsessive-compulsive behaviors.
Ang obsessive-compulsive disorder (OCD) ay isang klase ng sakit na pagkaligalig. Kung may OCD, palaging iniisip ang tungkol sa isang bagay na nagiging sanhi ng pagkaligalig.
Kapag in-love, bumababa ang serotonin levels, na karaniwan sa taong may obsessive-compulsive disorders, ayon kay Mary Lynn, DO, co-director ng Loyola Sexual Wellness Clinic sa Loyola University sa Chicago. (source:www.health.com)