Makakatulong din ang pagsuot ng magagaang na kulay, maraming butas na maliliit at maluluwang na damit na yari sa telang presko sa katawan. Kapag lalabas naman, mainam na ang paggamit ng sombrero at sunscreen. Kung kayo ay may kamag-anak na sa palagay ninyo ay nanganganib sa tindi ng init (tulad ng mga may sakit sa puso o biktima na ng “stroke”), siguraduhing sila ay inyong nadadalaw o nasisilip ng ilang beses sa isang araw. Pansinin kung may mga palatandaan ng karamdamang dala ng init gaya ng mainit at nanunuyong balat, pagkalito, pagkamali-mali, at pagka-agresibo at halusinasyon at kawalan ng pawis. Kung positibo sila rito, siguraduhing sila ay madala agad sa pagamutan (pronto soccorso). Makakatulong din ang pagpapanatiling malamig ng inyong mga tahanan sa pamamagitan ng mga kurtina at serranda. Maari ring buksan ang mga bintana sa gabi para pumasok ang mas malamig na hangin. Ating tandaan, ang kalusugan ay kayamanan at importanteng puhunan sa pagbabanat-buto.