Alam n’yo ba na ang labanos o white raddish ay ginagamit din bilang pansala o filter sa mga barko ng U.S. noong World War II? Ito ay unang nadiskubre sa China hanggang sa makarating sa Egypt at Greece. Malaki ang pagtingin ng mga taga-Greece sa labanos kaya nagpagawa pa sila ng replica nito na gawa mula sa ginto. Sa America, kinakain nila dito ang labanos ng hilaw lang. Pinakamalaking produksiyon ng labanos sa US ay sa California at Florida.