Bukod sa weightlifting ang isa pa sa karaniwang exercise na ginagawa natin na makakatulong sa ating sex life ay ang brisk walking.
Natuklasan ng mga Harvard researchers na ang aerobic exercise ay nakakatulong para bumaba ang posibilidad na magkaroon ng erectile dysfunction.
Ayon pa sa isang pag-aaral, ang anumang aerobic activity na nagbu-burn ng hindi bababa sa 200 calories na katumbas ng 2-miles na brisk walking ay malaking tulong sa pagpapababa ng erectile dysfunction.
Kaya ang brisk walking ay sinasabing nakakatulong sa ED sa circulation at blood flow. Ang fast walking, running at iba pang aerobic activities ay nakakatulong para maging clear ang mga blood vessels. Ito ay may magandang resulta sa erections. Ang running at brisk walking ay nagre-release rin ng endorphins at nagpapa-relax ng pakiramdam na maganda rin ang dulot sa iyong sexual performance.