Beauty tips mula sa saging (1)
Napakaraming prutas na ipinagkaloob ng “mother nature” para sa mga tao. Ang prutas ay nilikha upang makapagbigay ng bitamina sa tao, kaya naman hindi dapat kinakaligtaan na kumain nito. Isa sa mga maituturing na “wonder fruit” ay ang saging. Napakarami rin kasing benepisyo na makukuha rito gaya ng mga sumusunod:
Nag-aalis ng dry skin - Nagtataglay kasi ito ng vitamin B6, C at tubig. Kaya kung nararamdaman mong makapal na ang dead skin at dry na ang kutis mo sa mukha, ikuskos lang ang loob ng balat ng saging sa iyong mukha at iwan ito ng 30-minuto. Magbanlaw ng maligamgam na tubig at presto, mararamdaman mo na makinis na muli ang iyong mukha.
Nakakaiwas sa pagtanda – Nagbibigay proteksiyon ang saging laban sa mga free oxygen radicals na siyang nagpapabilis para tumanda ang tao. Puwede mong kainin o ilagay ang hiniwang saging sa iyong mukha. Magdurog lang ng saging at saka ilagay ito sa mukha at ibabad ng 30-minuto saka muli magbanlaw.
Pampaganda ng paa – Dahil sa pagkakaroon ng natural na moisturizer ng saging, maaari rin itong gamitin na pampaganda ng paa. Linisin muna ang iyong mga paa at balutan ito ng dinurog na saging at ibabad ito ng 30-minuto. Laging bigyan ng ganitong treatment ang iyong mga mata at makikita mo ang resulta nito. Magkakaroon ng makinis at mapula-pulang mga paa. (Itutuloy)
- Latest