Panaginip: May sugar coating ang sleeping pills na nasa medicine cabinet. Iba’t iba ang kulay nito na parang M&M. Nang tikman ko ang isang pill, matamis pala. Kinuha ko ang lahat ng pills sa bote at isinubo ko pero naisip kong masama ang aking ginagawa at malamang na mamatay ako. Iniluwa ko ang lahat ng pills na aking isinubo. - SAY
Interpretation: May ginagawa kang mali na maaaring magpahamak sa iyo. Hindi mo inaakalang mapapahamak ka dahil sa biglang tingin ay okey naman ang lahat. Pero darating ang realization na mali pala ang ginagawa mo.