Sandaang mumunting halimaw (42)

ANG APAT na higanteng gorilyang hindi tinatablan ng bala ay nasa laot na ng karagatan. Kaybibilis lumangoy.

Parang Olympic swimmers ang mga ito, nagpapaligsahan sa paglangoy.

Iisa ng pokus ang kanilang mga mata.

Isang bapor na pampasahero, napakaraming lulan. Overloaded na nga. Ewan kumbakit nakalusot sa mga awtoridad.

Parang bangkang papel lamang ang barko kum­para sa tibay ng mga gorilyang pakawala ni Shirya.

Kayang-kaya nilang gutayin ang sasakyang pandagat.

ANG mga nasa barko ay naalarma, nakita ang mga higanteng gorilyang palapit sa kanila.

Mga impit na hagulhol ng mga ina, mga tili ng mga babaing teeners ang naghahari sa barko. “Hu-hu-hu-hu. Eeeeee! Eeeeee!”

-Tumatawag na ng saklolo ang kapitan ng barko. Lahat ng barko sa dagat at mga helicopter ay hiningan ng madaliang pagdamay.

“Tulungan n’yo agad kami! Maraming mamamatay! Maawa kayo!” pakiusap ng ship captain.

Nagresponde naman agad ang mga helicopter. Nagsilipad sa pook na kinaroroonan ng barkong nasa panganib. KATAK-KATAK-KATAK.

Pero nahuli na sila nang dating. Naunahan ng malulupit na halimaw na mga gorilyang matataas pa sa poste ng Meralco.

Parang bolang pinagpapasa-pasahan ng mga gorilya ni Shirya ang barkong pampasahero.

Naglalaglagan sa tubig ng dagat ang mga lulan—tripulante, bata, matanda, mga ginang—lahat.

Maya-maya’y ihinagis na sa malayo ng isang higante ang nayupi nang barko. TOSSSS.

Ang mga buhay pang lulan ng barko ay nagsisikap manatiling buhay. Ipaglalaban nila ang gift of life na kaloob ng Diyos.

Walang katapusan ang kanilang dasal. “Holy Mary, Mother of God, pray for us sinners now and at the hour of our death, amen...”

Nagsimula nang manginain ng mga tao ang mga higanteng goril­ya. Walang pangalawang kalagiman iyon.

(Itutuloy)

Show comments