5---Magpakuha ng family picture. Tiyaking mukha kayong masaya at relax sa picture at ang posing ay very close kayo sa isa’t isa. Isabit ito sa salas kung saan mabilis itong mapapansin ng mga bisita. Alam n’yo bang ang masayang family portrait ay nagsisilbing protection amulet ng inyong pamilya sa mga aksidente at lahat ng klase ng kapahamakan? At hindi lang ‘yan, nagiging amulet din iyan para maging close kayo habang buhay.
6---Magpausok ng incense stick tuwing Biyernes. Piliin iyong may mabangong amoy at hindi nakakasulasok ng ilong. Huwag magpausok kapag umuulan at kapag matindi ang sikat ng araw. Itapat mo ang pagpapausok sa ala-sais ng umaga o bandang 4 ng hapon kung kailan malamig-lamig na ang simoy ng hangin.
7---Magpahinga sa ilalim ng punongkahoy. Dito mo isagawa ang iyong pagninilaynilay. Piliin mo ang punong malusog at makapal ang branches, kagaya ng mga puno sa UP Diliman. Pumikit at idikit mo ang iyong dalawang palad sa puno. Imadyinin mo na ang energy ng puno ay lumilipat sa iyong katawan. Tinutunaw nito ang iyong sakit ng iyong katawan at mga sakit ng iyong kalooban. Sa pamamagitan ng puno ay mapanunumbalik nito ang sigla ng iyong katawan. Ang masiglang katawan ay mabilis humigop ng positive energy na nagbibigay ng suwerte.