Ang massage o masahe ay isa sa pinakamatandang tradisyonal na pamamaraan ng panggagamot. Katulad ng sinaunang Griyego, Egyptians, Chino at Indians, sila ay nagsasabing ang pagmamasahe ay maaaring makalulunas ng ibat-ibang sakit.
Ang balat ay pinaka malaking organ ng ating katawan na binubuo ng maraming nerve ending. Ito ay nakakapawi ng pagod ng tissue at muscle ng ating katawan. Ang pagmamasahe sa leeg at balikat ay nakakabawas ng muscle tension at paulit-ulit na sakit.
Ayon sa makabagong pag-aaral ang pagmamasahe o massage ay nakalulunas ng mga sumusunod na sakit;
Pagkabalisa
Arthritis
Pananakit ng leeg at likod
Constipation
Depresyon
Sakit ng ulo
Mataas na presyon ng dugo
Insomnia.
Benepisyo ng massage
Ang pinaka agarang benepisyo ng masahe o massage ay maging relax at makalma ang pakiramdam. Ito ay nangyayari dahil ang brain chemicals na (neurotransmitters) ay nakapagdudulot ng kaginhawahan ng pakiramdam. Pinapababa nito ang stress hormones, katulad ng adrenalin, cortisol at norepinephrine. Ayon sa pag-aaral ang mataas na stress hormones ay nakakapagpababa ng immune system.
Ang iba pang pisikal na benepisyo ng massage ay:
Nakakabawas ng muscle tension
Pinapabuti ang sirkulasyon ng dugo
Pinasisigla ang lymphatic system
Pinababa ang stress hormones
Pinapataas ang joint mobility and flexibility
Pinapaige ang skin tone
Pinapabilis ang paggaling ang pinsala ng soft tissue
Pinapataas ang mental alertness
Nakakabawas ng pagkabalisa at depresyon.