^

Para Malibang

Sandaang mumunting halimaw (41)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

ANG APAT na gorilya ni Shirya ay nandakma na ng mga sekyu. Bago pa namalayan ng mga ito, nalamon na sila ng isa sa mga higanteng gorilya.

Pati mga buhok at buto nila ay naglaho na sa mundo. Walang iniwang anumng palatandaan. Sa banyagang lengguwahe, nawala sila-without a trace.

SI MIGGY ang merong presence of mind, sa kabila ng takot at pa­nganib ay gumana ang common sense ng mabait na binata. Mabilis siyang nakapangubli sa mga bushes sa labas ng tirahan,

Alam ni Miggy na hahanapin siya ng mga higanteng gorilya sa loob ng bahay. Kailanman ay hindi naghanap sa  labas ang mga naghahanap.

“Graawll!” Galit na galit ang apat. Saan na napunta ang munting lalaki?

Maliit ang bahay, hindi makakapasok dito ang mga higante ni Shirya.

Ginawa ng mga ito ang simpleng solusyon.

Tinanggal nila ang bubong ng maliit na bahay. KRALANKK.

Saka ihinagis iyon sa gitna ng komunidad; walang pakialam kahit tamaan ang mga inosenteng kapitbahay nina Miggy.

Nahagip ng bubong ang nagdaraang tricycle na maraming lulang estud­yante. Nahagip ang tricycle driver, nahati agad ang katawan ng matalas na yero ng bubong.

“Eeeee!” Tilian sa takot ang mga estudyanteng babae. Ang male students ay nagtakbuhan.

SAMANTALA, nasaksihan ng buong mundo ang mga higanteng nasa ‘Pinas.  Walang viewer na hindi nalagim. Alam na ang nangyayaring  kababalaghan sa Manila ay puwede ring maganap sa kanilang lugar!

Paano ba susugpuin ang mga higanteng gorilya na hindi tinatablan ng bala? Baka pati buong army ay kainin ng mga ito nang walang kalaban-laban?

NAGKAROON ng emergency meeting ang buong global community. Ang United Nations ay natataranta sa dapat gawin.

Iba-iba ang iminungkahi ng mga member nations.  Isang bansa sa silangan ang nagsabing dapat sunugin ang mga higanteng gorilya.

“Humukay nang malalim sa lupa, doon itaboy ng apoy ang mga gorilyang higante. Kapag nahulog na sa hukay ay saka silaban ng apoy hanggang sa mamatay!”  giit ng tagapagsalita.

Pinalakpakan ito ng iba pang member-nations. Katanggap-tanggap sa kanila at practical ang mungkahing iyon. Klap-klap-klap-klap. (ITUTULOY)

ALAM

ANG UNITED NATIONS

EEEEE

GALIT

MIGGY

NAHAGIP

SHIRYA

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with