‘Easy-to-get’ ang girlfriend

Dear Vanezza,

Ako po’y 33 years old na at gusto ng makahanap ng babaeng makakasama ko habang buhay. Ang huling naging gf ko ay hiniwalayan ko, kahit na alam kong mahal niya ako. Ginawa ko po ito dahil nang minsang yayain ko siyang magsine, mabilis siyang pumayag. Ang kuwentuhan po namin dito ay nauwi sa paghihipuan hanggang sa magkayayaan sa motel. Matapos may mangyari sa amin ay na-realize ko na hindi ang tulad niya ang pipiliin kong maging asawa. Dahil easy to get siya. Limang bf na raw ang nagdaan sa kanya bago naging kami. Tama ba ang desisyon ko? - Rem

Dear Rem,

Kung ang basehan ng babaeng pakakasalan mo ay virginity, mukhang mahirap dahil kailangan mo munang subukan bago ang kasal. At kung makakita ka naman ng babaeng hard to get ang pagkababae, malamang isa siyang babaeng hindi basta-basta pero mapapatunayan mo pa rin kung tunay siyang virgin sa unang gabi ng inyong kasal. Ngunit paano kung hindi na at kasal na kayo, makikipaghiwalay ka ba? Sa panahon ngayon, marami pa rin marahil virgin pero mahirap maka-tsamba. Ngunit hindi na ito dapat gawing batayan. Mas mainam pa marahil ang babaeng kahit may nakaraan na ay magiging tapat sa’yo kapag kayo’y kasal na kaysa tunay na dalaga na magiging taksil kapag kayo’y mag-asawa na.

Show comments