Alam n’yo ba na ang salitang mantis ay mula sa Greek word na “mantikos’? Ang ibig sabihin nito ay “propeta”. Ito ay dahil ang itsura nito ay misteryoso at ispirituwal lalo na kapag ang mga binti nito ay magkasalikop at tila nagdadasal. Umaabot ng 2,000 ang uri ng praying mantis. Naililingon ng insektong ito ang kanyang ulo ng 180 degrees. Flexible kasi ang joints ng praying mantis sa pagitan ng ulo at leeg nito. Pinaniniwalaan naman ng mga entomologists na magkakamag-anak ang mantis, termites at ipis. Pero, kung lalaking praying mantis ka, iisipin mo pa kaya ang mag-asawa? Kinakain kasi ng babaeng mantis ang kanyang sex partner. Bibilib ka naman sa lalaking mantis, dahil kaya pa rin nitong makipag-sex kahit pa pinugatan na siya ng ulo ng babaeng mantis.