‘Sexercise’ (3)
Kung hindi na nakakatagal sa iyong sexual activity o madaling mapagod o mangawit, narito ang ilang exercise na makakatulong sa iyong “performance”.
Nauna na nating natalakay ang cardio, swimming, planking, core and abs workout, hinge at frog pose.
Kegel exercise - Ang exercise na ito ay nakakatulong sa urinary incontinence o hindi mapigil na pag-ihi. Sa pamamagitan ng exercise na ito, napipigilan ang paglabas ng ihi. Nakakatulong din ito sa pagpapalakas ng pelvic floor muscles at sa orgasms. Mas maraming babae ang nakakaalam o gumagawa ng Kegel exercise ngunit malaking tulong din ito sa mga lalaki pagdating sa premature ejaculation. Pero marami ang hindi nakakagawa nito ng tamang paraan.
Kailangang matukoy mo ang pelvic floor muscles at alam mo kung paano i-contract at i-relax ito.
• Para matukoy ang iyong pelvic floor muscles, pigilin mo sa kalagitnaan ng iyong pag-ihi, kung nagtagumpay ka, nagamit mo ang tamang muscle.
• Kapag natukoy na ang pelvic floor muscles, umihi ng todo at humiga sa sahig nang nakatihaya.
(ITUTULOY)
- Latest