Noong nakaraan ay lumabas sa isang TV station ang tatlong magkakapatid na dumaranas ng hunter syndrome na pilit lumalaban at namumuhay na parang normal na mga kabataan. Isa sa mga sintomas na dinadanas nila ay ang pamamaga ng kanilang kamay na nagpapahirap sa kanila na gumawa ng bagay na karaniwang ginagawa ng mga normal na bata. Kahit na ganito ang kanilang dinaranas ay positibo pa rin ang kanilang pananaw sa pagharap sa sakit na ito. Ano nga ba ang sakit na ito? Anu-ano ang dapat gawin kung mayroon tayong miyembro ng pamilya na dumadanas nito?
Ang Hunter syndrome ay isang rare genetic disorder na lumalabas kapag ang enzyme na kailangan ng ating katawan ay nawawala at hindi gumagana ng maayos. Kapag ang katawan ay walang sapat na enzyme upang durugin ang complex molecules, ito ay maaaring makasira sa cells at tissues.
Ang pamumuo sa Hunter syndrome ay sanhi ng permanenteng pinsala na nakakaapekto sa itsura, isip, organ function at physical abilities.
Lumalabas ang hunter syndrome sa mga kabataan na mas bata pa sa edad na labing walong buwan at karaniwang tinatamaan nito ang kalalakihan. Walang lunas sa sakit na ito. (Itutuloy)